Kay Gen

GenGif1

“Katawan lang ang napapagod, hindi ang Puso”
– Gen Aspra

Talaan ng Aking mga Salita na kailanman hindi naparating sakanya. Mga kaisipan at istorya na naging kwento nala mang dahil sa paglipas ng panahon.
• Larawan  • Pagmumuni  •Pilosopiya  •Tula

IMG_4073

Oo, Nandoon ako
Oo, Sabay tayo

August 1, 2017 – 12:51 AM

Nakilala kita sa pagitan ng kawalan at kamulatan.
Bahid sa iyong mukha ang mga katanungan na tila hindi nagkaroon ng kasagutan.

Nasan naba tayo? Sino ba tayo sa mundo?

Minsan na nating naranasan kung gaano kasarap sa pakiramdam ang mailabas ang tunay nating katauhan.

Oo, nandoon ako.
Nandoon ako sa araw na una kong nasilayan ang mga ngiti mo,
at kung paano binigyan liwanag nito ang mundo ko.
Nandoon ako,
noong sinabi nang tinig mo ang mga salitang “ang sarap maging totoo”.
Oo, nandoon ako.
Minamasdan ang bawat pakiramdam na animo’y isang agham,
na tayo lang ang may alam.
Noong araw na yon alam kong nasa atin ang sentro,
Oo, nandoon ako.

Na aalala mo ba yung sa damo? kung saan tayo umupo.

Oo, Sabay tayo.
Sabay tayong sumagot sa lahat ng tanong na umiikot sa ating ulo,
ni hindi natin namamalayan ang takbo nang oras,
dahil sa bawat tawanan na timo’y wala nang bukas.
Sabay tayo,
Binaybay ang mainit na araw makapunta lang sa lugar na ating tinutukoy.
Sa upuang kahoy,
doon ko nasilayan ang mata mo
na tila parang unang beses lang nakatingin nang totoo.

Oo, Nandoon ako at Sabay tayo naranasan ang mga ito.

 

IMG_4226

Ang Gabi, Liwanag at Ikaw

August 2, 2017 – 1:07 AM

Minsan naiisip ko kung may patutunguan paba tong pag gawa ko nang sulat, ni minsan hindi rin sumagi sa isip ko na sa pamamagitan nito e maipaparating ko ba ang aking mga salita. Ang aking mga damdamin, saloobin, karunungan at ang aking pagkatao.
Meron pabang liwanag patungo sa iyo?

Oo, heto ulit ako.

Naramdaman mo rin ba nung gabi’ng iyon kung paano tayo naliwanagan sa ganda ng kapaligaran dahil sa mga iba’t ibang uri na kulay ng mga ilaw.
Nasa tabi kita non at sabay nating pinag mamasdan ang mga tao, ang mga kilos at ngiti, at kung sa paano sila kumuha ng larawan ng sarili nila.
Umupo tayo sa isang puwesto kung saan napapaligaran na tayo ng mga liwanag.

Hindi pa ganon kalalim ang gabi pero sa sandaling iyon naramdaman ko na parang tayo lang ang tao.

Iniisip mo noong sandali na iyon kung lahat ba sila ay tunay na masaya,
lahat ba sila ay napapasaya ng mga nakikita nila.
Tumingin ako saiyo at tinanong mo kung bakit ako naka titig.
Ngumiti ako sa hindi ko malamang dahilan at ngumiti karin pabalik
sinabihan mo pa nga ako na baliw at ang wirdo ko.

Oo, wirdo ako.. dahil hindi ko alam ang ikikilos ko kapag pinagmamasdan kita.

IMG_4213IMG_4235

Sa gitna nang tuwa ay bigla kang nalungkot dahil meron kang naalala, saba’y sabing..
“nagugustuhan lang nila ako dahil sa itsura ko”
Lumapit ako saiyo at tinangal ko ang salamin mo sa mata
dahil meron akong gustong sambitin saiyo na mga salita
“Ito… ito ang di nila nakikita, ang tunay mong katauhan, ang tunay na kinang na nag mumula sa saiyo. Ang tunay na tao kailan man hindi titignan ang panlabas kung hindi kagandahang puso na meron ka.. ito ang nakita ko saiyo”

Sa puntong iyon hindi ko kontrolado ang mga letra kusa silang lumabas mula sa sarili ko
sa bawat minuto na lumilipas unti unti kong nasisilayan at nararamdaman na..

Oo, siya na nga ang liwanag ko sa nabulag at maitim kong mundo.
Oo, pinakilos niya ako ng hindi gumagamit ng kahit ano.

IMG_4223

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s