Ang Sining ng Pagpapaalam

22550770_1873642302651572_170311586_o

“Ang Sining ng Pagpapaalam”

Huwag mong hayaang muli kang pulutin ng taong nagtapon sayo,
Ikaw lang ang dapat magsalba sa sarili mo,
At hindi ang ibang tao.

Pinaiyak, iniwan at pinaasa ka na niya,
At ang magbabangon sayo ay hindi dapat siya,
Ikaw ang tumayo sa sarili mong mga paa,

Dahil wala kang kakampi kundi sarili mo lang talaga.

Tinapon ka niya na para kang basura,
Kaya ang tingin mo sa sarili mo ay ganun ka,
Sinasabi ko sayo hindi ikaw ang walang kwenta,
Dahil ang totoong ganun ay siya.

Sarili na muna ngayon ang intindihin mo,
Alagaan, pahalagahan at mahalin ito,
Sa tamang panahon ay makikita mo,
Kung bakit hindi para sayo ang ginusto.

Sulat at Pagmumuni ni Han Silva at RR Vallan

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s